Mike Defensor kakasuhan sa pekeng survey (JB Salarzon)
Pinag-aaralan ngayon ng pamunuan ng Pulse Asia ang pagsasagawa ng legal na aksyon laban sa kampo ni dating Presidential chief of staff Mike Defensor kaugnay sa umano’y pagpapalabas ng “pekeng poll ratings” sa Quezon City na nailathala sa ilang pahayagan noong Marso 2.
Ito ay matapos itanggi ni Ronald D. Holmes, presidente ng Pulse Asia, ang survey na isinagawa sa nasabing lungsod noong February 15 na ipinalabas ng grupo ni Defensor na nagpapakita ng pagkalamang umano ng dating mambabatas kay QC Vice Mayor Herbert Bautista, pambato ng Liberal Party na kalaban nito sa pagka-alkalde ng lungsod.
Kaugnay nito, plano ring magpadala ng sulat ni Holmes sa mga pahayagan kung saan lumabas ang naturang mapanlinlang na ulat upang baguhin at itama ang mga ito.
NiIinaw kamakalawa ni Holmes na wala silang isinasagawang survey sa lungsod partikular na ang paglabas ng “pekeng poll ratings” na nagpapakita ng umano’y “pagdikit” ni Defensor sa kalaban nitong si Bautista sa survey ratings.
Iginiit pa ni Holmes na ang Pulse Asia ay hindi nangumisyon para magsagawa ng survey sa mga lokal na kandidato sa lungsod kahit pa kay Defensor, kaya maituturing nitong mali at peke ang survey.
“We have not conducted a survey in Quezon City not for this election, not for anyone,” paliwanag pa ni nito sa mga reporters.
http://abante.com.ph/issue/mar0510/news08.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment